• Home
  • Fresh Scoops
  • Harlene Bautista, inilarawan status ng relasyon kay Romnick Sarmenta

Harlene Bautista, inilarawan status ng relasyon kay Romnick Sarmenta

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/23/2018 11:25 AM
Harlene Bautista, inilarawan status ng relasyon kay Romnick Sarmenta


Todo paghahanda na ngayon ang isa sa mga pelikulang kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival movie na Rainbow’s Sunset.

Sa naganap na special screening ng pelikula, present ang all-star cast kabilang na ang producer na si Harlene Bautista.

Dito, muling kinumusta ng press si Harlene matapos ang napabalitang hiwalayan nila ng mister na si Romnick Sarmenta.

“Okay naman, parang ganun pa din, magkahiwalay lang at may schedule na lang ngayon,” kuwento ni Harlene sa atin.

Ayon pa kay Harlene, nanatiling maayos ang kanilang pagkakaibigan ng asawa para sa kanilang mga anak at magkakasama pang ipagdiriwang ang Pasko.

“Christmas is for kids and siyempre may mga anak kami,” sabi pa niya.

“Pero wala naman nabago. Ewan! Parang pareho na hindi,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, umaasa si Harlene na maging maganda ang pagtanggap ng mga manunuod sa Rainbow’s Sunset na unang pelikula sa MMFF ng production outfit ng pamilya Bautista.