• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga gets emotional recalling Mommy Pinty's sacrifices

Toni Gonzaga gets emotional recalling Mommy Pinty's sacrifices

Hindi inaasahan ang biglaang pag-iyak ni Toni Gonzaga habang nagbibigay ng mensahe para sa ina.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/22/2018 3:25 PM
Toni Gonzaga gets emotional recalling Mommy Pinty's sacrifices


Photo credit to the owner

Hindi napigilang maging emosyonal ng Kapamilya actress at host na si Toni Gonzaga sa isang episode ng Magandang Buhay noong December 21. Kasama ang kanyang kapatid na si Alex Gonzaga, ibinahagi ni Toni ang mga sakripisyo na ginawa ng ina para sa kanila. 

"Alam niyo napakalaki ng role ni Mommy Pinty sa buhay naming dalawa ni Alex. Bukod sa siya ang nagbigay ng buhay naming dalawa, siya ang una-unang taong naniwala sa amin," sabi ni Toni sa mga momshie hosts.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Lols is happy coz it's baby Sevè's first visit here in Taytay!! Happy Lola with cutie apo ❤️

A post shared by Pinty Gonzaga (@mommypinty) on

Inamin din ng aktres na walang gustong mag-manage sa kanya noong nagsisimula pa lamang siyang mag-artista, kaya't tumigil sa pagta-trabaho si Mommy Pinty para suportahan siya.

"Nag-quit siya ng trabaho niya, from being a boss to our PA, driver, to being our manager. Ganon ko nakita ang klase ng nanay na meron kami na ginive up niya yung sarili niyang dreams para sa dream naming magkapatid.

"Kasi naalala ko dati talaga, wala. Sabi ko, 'Mommy, walang naniniwala sa akin na mag-artista o sa kapatid ko.' Sabi ni mommy, 'Basta, huwag kang mag-give up kay God.' Sabi niya, 'Kahit mahirap, ako na lang ang bahala. Kahit wala akong alam sa pagma-manage sa artista, gagawin ko 'yan.' Tapos tingnan mo, kahit papaano, 20 years na ako sa showbiz, siya pa rin ang manager ko," naluluhang kwento ni Toni Gonzaga.

"Tapos tuwing iisipin ko iba na lang ang mag-manage sa akin, maiisip ko hindi. Kasi nung wala pang naniniwala sa kin, ang mommy ko ang unang naniwala sa akin. Kaya hindi ko siya iiwan," pangako naman ni Toni sa kanyang ina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I miss you @kristbansuelo. 👑 Thank you @stevendoloso for today.❤️

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Aminadong naging emosyonal din, sumagot si Mommy Pinty sa mensaheng binigay ni Toni mula sa phone patch. "Nakakaiyak naman, so touching. Actually hindi lang ako pati si Daddy. Si Daddy talaga ang sobrang naniwala sa talent ng mga anak ko. Siya ang nag-push sa akin. Nakita niya 'yung determination, 'yung passion. Nung una si Toni lang 'yan, then si Alex. So it's really a family teamwork, hindi lang ako," aniya.

Pagbibidahan ng Gonzaga sisters ang pelikulang Mary, Marry Me, na ipapalabas sa December 25.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

December 25, 2018 👭❤️🤷🏻‍♂️ #MMFF2018

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on