• Home
  • Fresh Scoops
  • Ronnie Alonte, lumalabas ang ‘kantong ugali’ kapag nagseselos

Ronnie Alonte, lumalabas ang ‘kantong ugali’ kapag nagseselos

Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nagpakatotoo at inamin kung paano sila magselos sa isa’t isa.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/22/2018 11:37 AM
Ronnie Alonte, lumalabas ang ‘kantong ugali’ kapag nagseselos


Sa Tonight with Boy Abunda, inamin nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte kung ano ang nag-iba ngayong two years na ang kanilang relationship.

READ: WATCH: Ronnie Alonte confirms relationship with Loisa Andalio

Ayon kay Loisa, mas naging buo ang tiwala nila sa isa’t isa. “Yung tiwala namin sa isa’t isa, saka yung pagiging kumportable mas lumalim. Kahit hindi kami palaging magka-text o magka-usap pero pag nagkita kami…”

Ito rin daw kasi ang binago nila, ayon naman kay Ronnie. “Sabi ko sa kanya kung may tiwala tayo sa isa’t isa, dapat kahit hindi tayo nagkikita o nag-uusap alam natin kung ano ang tama at mali at kinikilos natin.”

Aminado rin si Ronnie na selosa si Loisa at kapag galit ito ay, “loud yan, Tito Boy. Ako na ang nahihirapan dyan. Nag-post lang ako halimbawa ng isang Hollywood star na babae. Magagalit na yan sa akin, Tito Boy… kahit sa maraming tao magagalit sa akin yan.”

Seloso din naman daw siya sabi ni Ronnie. “Seloso po ako. Malala ako, madadala ko yung kantong ugali ko. (Kaya) iniiwasan ko at iniintindi ko na lang din siya.”

Aminado rin si Ronnie na pinagbabawal niya ang pagdadamit ni Loisa ng sexy. “Bawal ang sexy. Ayokong may tumitingin sa kanyang iba e.”

Pero kahit seloso, isa daw sa mga natuklasan ni Loisa kay Ronnie ay, “kahit paganyan-ganyan siya, akala mo bad boy… pero malambot ang puso niya.”

Umiyak na daw siya dahil kay Loisa. Kuwento ni Ronnie, “Iniyakan ko yan Tito Boy…” at ang usual daw na dahilan nito ay, “yung ugali niyang parang bata, gusto kong maunawaan at maintindihan niya ako…”

Sa mga nagsasabi naman na sobra ang kanilang PDA o public display of affection, ito ang masasabi ni Loisa, “(hindi dahil) artista kami, hindi na kami pwedeng maging normal na tao na tipikal kung paano gumalaw yung nagmamahalan…”