• Home
  • Fresh Scoops
  • #NoToBullying: Regine Velasquez, Robi Domingo, Xian Lim, and more celebrities speak up against bullying

#NoToBullying: Regine Velasquez, Robi Domingo, Xian Lim, and more celebrities speak up against bullying

Celebrities share their sentiments over the viral video of a bullying incident at a private school.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/22/2018 1:42 PM
#NoToBullying: Regine Velasquez, Robi Domingo, Xian Lim, and more celebrities speak up against bullying


Photo credits: @reginevalcasid, @iamrobidomingo, @xianlimm, @sharlenesanpedro1, @iamsofiaandres IG

Naglabas ng kani-kanilang reaksyon at mensahe ang ilang celebrities tungkol sa bullying. Ito ay matapos kumalat ang isang video ng aktong pananakit ng isang estudyante sa kapwa nitong estudyante mula sa Ateneo Junior High School.

Sa isang tweet ni Regine Velasquez, inamin niya na nagalit siya matapos mapanuod ang video. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#ABSCBNChristmasspecial2018 malapit na kapamilya

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Para kina Robi Domingo at Xian Lim, na parehong inaming nakaranas din ng pambubully noon, mahalagang seryosohin ang isyu ng bullying at tulungan ang mga nabibiktima nito. 

 

Naglabas din si Sofia Andres ng mga screenshots mula sa viral video sa kanyang tweet at kasama ang kanyang pag-aming naging biktima din siya ng bullying noon. "For those bullies out there, the reason why you bully people is just because you’re below them and you're just going to end up with nothing. I have experienced being bullied before and it was terrible. I am an introvert and they took advantage of that. They feel like they have the power to make you feel humiliated. Pledge to stand up up to stop bullying. Please help me support #Antibullying they may need your help. Spread the word," ayon sa post ni Sofia.

 

 

Isang paalala naman ang binigay ng singer at aktor na si Alexnader Diaz at ng MYX VJ na si Sharlene San Pedro sa kani-kanilang tweet.

Hinikayat naman ng singer na si Tippy Dos Santos ang mga netizen na itigil din ang counter-bullying sa sangkot na estudyante sa viral video. Ayon sa kanya, "Bullying a bully won't stop the cycle of hatred and violence; people on social media have to stop being so mean and reckless. Not all negative and hateful thoughts have to be aired out for everyone to see. (doesn't mean you can't have bad thoughts, just doesn't have to be public)."

Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon ng Ateneo Junior High School ang insidente. Habang ang mga magulang naman ng biktima ay naghain na rin ng police report.