• Home
  • Fresh Scoops
  • National costume ni Catriona Gray, ipapakita sa iba’t ibang museong pambansa

National costume ni Catriona Gray, ipapakita sa iba’t ibang museong pambansa

Represented ang three main islands ng Pilipinas sa national costume ni Catriona Gray na kanyang isinuot sa Miss Universe 2018.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/22/2018 12:43 PM
National costume ni Catriona Gray, ipapakita sa iba’t ibang museong pambansa


Photos credit: @catriona_gray and @jearsond IG

Agaw eksena hindi lamang sa Miss Universe 2018 pageant ang national costume ni Catriona Gray kung hindi pati na rin sa kanyang mga kababayan. Hindi lamang basta basta ang naging costume ni Catriona dahil ang bawat detalye nito ay may aral tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sa paliwanag ng beauty queen, ang parol ay sumisimbulo sa Pampanga kung saan kilala ang lugar sa paggawa nito. Mayroon ding baybayin ng lyrics ng pambansang awit sa palibot ng parol at ilang painting na nagre-represent sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng bansa. 

Ang kanyang bodysuit ay sumisimbulo naman sa Visayas kung saan galing ang mga Pintados.

“The tattoo patterns are authentic and based from the manuscript ‘BOXER CODEX’ written in 1590,” ani Catriona.

Sumimbulo naman sa Mindanao ay ang suot niyang headpiece at brass accessories na galing pa sa South Cotabato.

Ayon sa National Quincentennial Committee, nagpaalam sila kay Catriona para i-display ito at ngayon ay ililibot ang kanyang costume sa iba’t ibang museo sa bansa. Nakarating na sa bansa ang costume noong December 20.

11 kilos ang bigat ng naturang costume at una itong makikita sa Museum of Philippine Social History sa Angeles, Pampanga. Kasunod nito ay sa Museum of Philippine Political History sa Bulacan, Museum ni Emilio Aguinaldo sa Cavite, at sa Museo ni Jose Rizal sa Fort Santiago. Wala namang bayad sa pagpasok sa mga museong ito.