Janice De Belen welcomes new granddaughter

Pangatlong apo na ni Janice De Belen si Ariella sa anak na si Luigi Muhlach.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/22/2018 1:16 PM
Janice De Belen welcomes new granddaughter


Photos credit: @super_janice IG

Mas masayang Pasko ngayon ang haharapin ng aktres na si Janice De Belen.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Janice ang kagalakan sa pagkakaroon muli ng panibagong apo sa kanyang panganay na anak na si Luigi Muhlach.

December 20, isinilang ng misis ni Luigi Muhlach na si Patty ang bouncing baby girl na pinangalanan nilang Ariella Atara Muhlach.

Gaya ni Janice masayang Pasko din ang sasalubungin ni Luigi Muhlach sa pagkakaroon ng bagong miyembro sa kanilang Pamilya.