• Home
  • Fresh Scoops
  • Chavit at Richele Singson, nagbigay pahayag sa balita ng pagiging franchise holder ng Miss Universe Philippines

Chavit at Richele Singson, nagbigay pahayag sa balita ng pagiging franchise holder ng Miss Universe Philippines

Si Catriona Gray na ang magiging huling Miss Universe na kinoronahan sa Binibining Pilipinas kung sakaling malipat sa grupo nina Singson ang franchise ng pageant.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/22/2018 1:54 PM
Chavit at Richele Singson, nagbigay pahayag sa balita ng pagiging franchise holder ng Miss Universe Philippines


Tanging matatamis na ngiti lang ang isinagot ni Former Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson sa isyu ng pagmamay-ari na umano niya ng Miss Universe Philippines franchise.

Kasunod ito ng napabalitang paghawak na ng LCS Group of Companies sa pageant franchise nito mula sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI). 54 years nang nasa BPCI ang Miss Universe franchise na nakuha nila since 1964. 

READ: Chavit Singson bagong franchise holder ng Miss Universe Philippines?

Sa naganap na stop over ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nitong Miyerkoles (December 19) sa Pilipinas, isa sa mga sinubukan na lapitan ng PUSH at ABS-CBN News ang CEO ng LCS Group para kompirmahin ang balitang pagmamay-ari na niya ang franchise. 

Bukod kay Chavit, nagbigay pahayag din ang anak niya na si Richelle Singson-Michael sa press nitong Huwebes (December 20). Isa rin siya sa mga punong abala sa naging pagbabalik bansa ni Catriona.

“There are no talks yet of the franchise right now. We just want to focus with Catriona coming to the Philippines and congratulating her with her glorious winning,” maikli niyang pahayag sa press sa Charity event ng Miss Universe sa Pilipinas.

Sa ngayon, nanatiling tikom ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated sa maugong na bali-Balitang pagbabago na ito sa local pageant scene.