• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga on wedding plans with Mikee Morada: ‘Napag-uusapan na namin’

Alex Gonzaga on wedding plans with Mikee Morada: ‘Napag-uusapan na namin’

Ready na rin daw ang mga magulang ni Alex Gonzaga sa kasal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/22/2018 12:18 PM
Alex Gonzaga on wedding plans with Mikee Morada: ‘Napag-uusapan na namin’


Photo credit: @cathygonzaga IG

Inamin ng Kapamilya comedienne at host na si Alex Gonzaga na nagpaplano na sila ng kasal ng kanyang boyfriend na si Mikee Morada. Sa episode ng Magandang Buhay noong December 21, sinabi ng aktres sa mga momshie hosts, "Napag-uusapan na namin (ang kasal). Siyempre ang fake naman kung hindi pa napag-uusapan at tumatanda na rin. But alam namin kung ano ang time frame. May time frame kami sa isa't isa."

Nagpahayag din naman ng kanilang pagsuporta sa magiging desisyon ni Alex ang kanyang ate na si Toni Gonzaga at ina na si Mommy Pinty.

"Nakita ko 'yung change of attitude ni Alex when it comes to handling relationships. Kasi ano 'yan kapag ayaw na, ayaw na. Ganun siya. [Pero with Mikee] nag-a-adjust at pinapagalitan siya. Tuwang-tuwa ako na pinapagalitan siya ni Mikee, kasi tapos na 'yung trabaho ko. May iba nang nagagalit para sa akin," pahayag ni Toni Gonzaga.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tsup-tsup waffle pls!! #MaryMarryMe

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

Sagot naman ni Mommy Pinty, handa na daw sila ni Daddy Bonoy sa kung ano mang desisyon ng magkasintahan. "Ready na kami ni daddy kapag si Alex ay mag-asawa. Sinasabi namin sa kanya 'yon. If she's ready to marry, okay lang sa amin kasi she's not getting any younger. At saka para madagdagan na si Seve, madagdagan na 'yung apo namin," sabi ni mommy Pinty mula sa phone patch.

Nitong nakaraang buwan ay nag-celebrate ng kanilang ikalawang taon bilang magnobyo sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. 

READ: Alex Gonzaga celebrates second anniversary with boyfriend Mikee Morada