• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista, Alexa Ilacad, cry foul on a viral video of man throwing a dog

Heart Evangelista, Alexa Ilacad, cry foul on a viral video of man throwing a dog

Advocates for animal welfare Heart Evangelista and Alexa Ilacad became emotional after seeing the cruel video of a man harassing a dog.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/21/2018 5:06 PM
Heart Evangelista, Alexa Ilacad, cry foul on a viral video of man throwing a dog


Photo credits: @alexailacad, & @iamhearte IG

Hindi na napigilang magalit ng Kapamilya actress at dog lover na si Alexa Ilacad matapos makita ang kumakalat na video mula sa Instagram na nagpapakita nang pang-haharass ng grupo ng mga lalaki sa isang aso. Sa isang tweet ng aktres sinabi niya, "I've already reported this and contacted all the people I can to help give justice to this dog and put those devils behind bars. WAG KAYONG MAGPAPAKITA SAKIN KASI AKO MISMO PAPATAY SAINYO! [sic]" 

Nakuha rin ng naturang viral video ang atensyon ng celebrity at animal rights advocate na si Heart Evangelista. Sa isa niyang tweet, inilapit ni Heart ang viral video sa PAWS (Philippine Animal Welfare Society) official twitter account. "You better pray about this. SO WRONG!" sabi ni Heart sa tweet, na hanggang ngayon ay hindi pa nakakatanggap ng sagot mula PAWS.

Matapos naman mapansin sa social media, naglabas ng statement at aksyon ang Animal Kingdom Foundation sa kanilang Facebook page. "We have tried to reach out to the perpetrators identified on the viral Instagram post, we sent messages on their Facebook and Instagram accounts but we have not yet received any reply. All their social media accounts are deactivated already.

"We instead sent a letter to the school we believe they are enrolled in, calling for immediate action on this case of cruelty and maltreatment.

"We will post updates when once we get a reply or if we have updates on this matter.

"Thank you to everyone who reported this to us. Please stay vigilant. #NoToAnimalCruelty," sabi ng statement ng nasabing organization. 

Patuloy namang kumakalat ang video sa social media habang naghihintay ng update kung matutuloy ang pagsampa ng kaso sa mga sangkot dito.