• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, nag-courtesy call kay President Rodrigo Duterte

Catriona Gray, nag-courtesy call kay President Rodrigo Duterte

Catriona Gray, nag-courtesy call kay President Rodrigo Duterte bago tumulak papuntang New York.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/21/2018 9:36 AM
Catriona Gray, nag-courtesy call kay President Rodrigo Duterte


Ayon sa ulat ng TV Patrol, nag-courtesy call si Miss Universe 2018 Catriona Gray kay President Rodrigo Duterte kahapon, December 20, 2018.

Naglabas diumano ng mga larawan si Presidential spokesperson Salvador Panelo kung saan makikita ang paghaharap ng Presidente at ni Catriona sa Villamor Airbase.

Binati ng Pangulo si Catriona sa karangalang ibinigay niya sa bansa. Nakatakda ring tumulak sa Catriona nung araw na yun papunta sa New York kung saan muna siya mamamalagi bilang Miss Universe 2018.

READ: Catriona Gray’s wish is to spend Christmas in the Philippines