• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez at ex-husband Jomari Yllana, two years nang hindi nag-uusap

Aiko Melendez at ex-husband Jomari Yllana, two years nang hindi nag-uusap

Aiko Melendez, inaming dalawang taon na silang hindi nag-uusap ng ex-husband niya na si Jomari Yllana.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/21/2018 9:30 AM
Aiko Melendez at ex-husband Jomari Yllana, two years nang hindi nag-uusap


Photo credit: @jomariyllana on IG (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, natanong si Aiko Melendez tungkol sa relationship niya sa mga ex-husbands niya at tatay ng kanyang mga anak na si Martin Jickain at Jomari Yllana. 

Ani Aiko ay maayos ang relationship niya with Martin at sa asawa nitong si Maggie Tirol. “Martin and I are great. He’s based now in Boracay because the wife is from there, Maggie… I’m very okay with Maggie… Maggie and I are good. We text each other kapag may kailangan si Marthena (anak ni Aiko at Martin) and then they want to borrow Marthena. I exchange texts with Maggie.” 

Bago naman ang interview ay nabasa diumano ng King of Talk Boy Abunda ang kahilingan ni Aiko na ‘wag nang pag-usapan sa interview si Jomari. Ayon sa kahilingan ni Aiko ay, “I don’t want to talk about Jomari, respeto na lang sa akin at respeto na lang sa kanya.” 

Inamin naman mismo ni Aiko sa interview na matagal na rin silang hindi nag-uusap ni Jomari. “Two years na kaming hindi nag-uusap ni Jom…of course, the partner just gave birth so I don’t want to cause anything naman sa kanilang dalawa and parang respeto ko na lang yun sa kanila,” ani Aiko.

LOOK: Andre Yllana meets his baby brother Christiano Ayrton

Nag-uusap pa rin naman daw minsan si Jomari at si Andre, na anak nilang dalawa ni Aiko. “Yes, once in a while they talk,” sabi ni Aiko.