• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni and Alex Gonzaga, kinuwento kung paano nabuo ang Chambe dance craze

Toni and Alex Gonzaga, kinuwento kung paano nabuo ang Chambe dance craze

Toni and Alex Gonzaga, detalyadong kinuwento kung paano nabuo ang Chambe dance craze.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/20/2018 11:08 AM
Toni and Alex Gonzaga, kinuwento kung paano nabuo ang Chambe dance craze


Sa Tonight with Boy Abunda, ikinwento nina “sizzums” Toni and Alex Gonzaga kung paano nabuo ang dance craze na “Chambe” na ngayon ay meron nang over six million views sa YouTube.

READ: Alex Gonzaga's ‘Chambe’ MV tops YouTube's most trending videos

Ayon kay Alex, “Nagsimula po yun kasi si Seve hindi ako pinapansin…” 

Kuwento naman ni Toni na ang tawag niya noon kay Seve ay “Chubby” or “Chaba” dahil sa chubby ito noon. Pero sinaway daw siya ni Paul at sinabing baka maging pet name ito ni Seve paglaki kaya pinalitan naman ni Alex ang tawag niya kay Seve ng “Chumby.” Pero ayon kay Toni, “nung napunta ng Rizal, naging Chambe na pero maganda yun e. Chumby yun, medyo maganda pakinggan…”

At dahil nga hindi si Alex pinapansin ni Seve ay sinayawan niya daw niya ito. “Favorite song ko yung ‘Jeproks,’ kay Sir Mike Hanopol. Tapos nung nakita ko nung sumasayaw ako natuwa si Seve, blinog ko po yun. Grabe bigay todo ako talaga...”

Ginaya naman ni Toni ang animated na mukha ni Seve habang pinapanuod niya si Tita Alex niya.

Dagdag pa ni Alex na ang movement ng Chambe dance ay galing din kay Seve, “pag sumasayaw siya, nakababa lang siyang ganun, very childish.”

Game din na naki-join si host Boy Abunda ng Chambe dance kasama ang Gonzaga sisters.