Karylle, byaheng Indonesia ngayong Pasko

Dadayong Indonesia si Karylle para ipromote ang kanyang latest single na isang Christmas song.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/20/2018 8:49 AM
Karylle, byaheng Indonesia ngayong Pasko


Kasama ang Indonesian singer na si Calvin Jeremy, nag-launch si Karylle ng kanyang bagong Christmas Single na “It’s Christmas Time” na ipo-promote nila sa Indonesia ngayong darating na Pasko.

“So we will be going to Indonesia this Christmas, and we will promote there and we will do our Christmas vacation after that,” sabi pa ni Karylle.

Dahil abala sa kanyang showbiz commitments, kuwento ni Karylle na nauna na siyang nag-Christmas shopping.

“I started slowly Christmas shopping. 'Pag may sale, nag iipon-ipon na ako, mayroon na ako nakatabi,” kuwento pa niya.

At ngayong Pasko, alam na din ng singer ang kanyang magiging regalo sa kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

“Kay mama, it’s usually Christmas pajamas but I haven’t bought anything,” sabi pa niya.

Ibinahagi din ni Karylle ang kasalukuyan na pinagkakabalahan ng kanyang ina sa mga panahon na hindi ito napapanuod sa “ASAP”.

“Actually siya nga ang nag-su-support sa akin, e. Hindi ko naman naisip na may problem or anything. Wala naman, kasi she's okay, she just came from Cebu, she did like a crash course on farming. She's been in to it since the whole of last year,” pahayag pa ni Karylle.

Mapapanood pa din araw-araw si Kayrlle sa noontime show na “It’s Showtime”.