• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray’s wish is to spend Christmas in the Philippines

Catriona Gray’s wish is to spend Christmas in the Philippines

Miss Universe 2018 Catriona Gray is preparing for her homecoming parade happening jn 2019.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/20/2018 12:18 PM
Catriona Gray’s wish is to spend Christmas in the Philippines


Dinumog ng media at mga nagmamahal na kababayan si 2018 Catriona Gray sa kanyang pagbabalik Pilipinas matapos masungkit ang korona sa Miss Universe.

Paglabas pa lang ng eroplano, sinalubong agad ng mainit na palakpakan ang ika-apat na Miss Universe ng bansa.

“It’s so nice to be home back in the Philippines. Of course grabe ang reaction ng Filipino people. All the love and support I can’t wait for the homecoming!” tugon ng bagong Miss Universe sa press.

 

Aniya, hindi pa din siya makapaniwala sa ngayon na naiuwi niya ang korona sa prestihoyosong pageant.

 

“It hasn’t sunk in yet that we won Miss Universe pero para sa iyo ito Pilipinas. I’m so happy to be home, so happy to be back in the Philippines and to see all of you,” masaya niyang pahayag sa press.

Bitiin man ang kanyang pakikipagbonding sa mga kababayan, walang sawang pasasalamat naman ang kanyang ipinaabot na mensahe.

“Thank you very much for all being here. Thank you for making my first trip back home such a memorable one,” pahayag pa ng 2018 Miss Universe.

Sa ngayon, wish ni Catriona ang makapagdiwang ng Pasko sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya.

Sa unang bahagi ng 2019, inaasahan ang kanyang homecoming kung saan inihahanda na ang grand welcome parade para sa kanyang mga kababayan.