• Home
  • Fresh Scoops
  • Calvin Abueva, kinuyog ng fans ni Vice Ganda matapos magpost ng picture ng kanyang asawa

Calvin Abueva, kinuyog ng fans ni Vice Ganda matapos magpost ng picture ng kanyang asawa

Sa pag-post ni Calvin ng picture ng kanyang asawang si Salome, nagpapahiwatig ba ito na talagang magkaibigan lamang sila ni Vice Ganda?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/20/2018 8:18 PM
Calvin Abueva, kinuyog ng fans ni Vice Ganda matapos magpost ng picture ng kanyang asawa


Photo credit: @insideshowbiz (L) , @calvin.abueva.9465 (R) on IG

Kahit ilang beses nang iginiit nina Vice Ganda at Calvin Abueva na sila'y magkaibigan lamang, di natinag ang fans ng comedian na baka sakaling meron ngang namamagitan sa dalawa dahil sa dalas na nakikita silang magkasama. Lalo pang umingay ang chismis nang padalhan ng bulaklak si Vice sa isang event at nang magkita ang dalawa sa Boracay.  

READ: Vice Ganda, nakatanggap ng bulaklak mula kay Calvin Abueva

Pero nitong December 20, tila nabulabog ang mga taga-hanga ni Vice nang i-post ni Calvin ang picture ng kanyang asawang si Salome Alejandra sa kanyang Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Inside Showbiz (@insideshowbiz) on

 

Tila na-disappoint ang mga loyal followers ni Vice Ganda sa ginawa ng basketball player at puro pamba-bash ang inabot nito sa kanyang comments section. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Calvin Abueva (@calvin.abueva.9465) on

 

Pero mabilis namang nagcomment si Calvin sa kanyang mga bashers at sinabing, “Alam nyo si Vice, totoong kaibigan. Ang asawa, asawa talaga. Wala akong pakielam kung i-bash niyo ako o support kayo. Kami ni Vice, true friend ang turing ko sa kanya. Hindi na siya iba sa 'kin.” 

Pareho naman ang nasabi ni Vice noong natanong na din siya ng press ukol sa estado nila ni Calvin. 

Basta masaya kami kung anong meron ngayon, masaya lang kami. Malambing siyang kaibigan. Mahawak, maharot, malambing, matsika. We’re friends. We’re very, very good friends. Sabi niya nga dun sa interview niya, sweet friends daw,” sabi ng Fantastica star.

READ: Vice Ganda nilinaw ang relasyon kay Calvin Abueva: ‘Hindi kami exclusively dating’

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on