• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin, handa na sa aksyon ng ‘The General’s Daughter’

Angel Locsin, handa na sa aksyon ng ‘The General’s Daughter’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/20/2018 11:19 AM
Angel Locsin, handa na sa aksyon ng ‘The General’s Daughter’


Excited at may halong kaba ngayon ang nararamdaman ng aktres na si Angel Locsin sa nalalapit na pagpapalabas ng bago niyang teleserye na The General’s Daughter na napapanuod na ang teaser.

Kabado ang aktres dahil medyo natagalan bago muli napanuod siya sa isang telerserye project.

“It’s happy kaba, kagaya nga ng nasabi ko it’s been a while since nagkaroon tayo ng teleserye pero yung happy kaba na yun is more on excited kasi malapit na, eere na siya at sana magustuhan ng mga tao,” sabi ni Angel.

Aminado si Angel na di biro ang karamihan ng kanyang mga eksena.

“Actually nang tinanggap ko ito, hindi ko ini-expect na ganun siya kahirap pero ako naman kasi kapag may mga ganyan klase challenges parang nagigising ako,” excited niyang kuwento.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#aboutlastnight ❤️ #TheGeneralsDaughter #TGD #soon #sneakpeak

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

 

At dahil sa ma-aksyon na mga tagpo, kasama na din daw dito ang matinding pagod dahil sa demands nag mga eksena.

“Hindi naman mawawala yun talaga yung pasa, sugat wala yun eh. Hindi na yun tinatanong automatic na yun eh. Pasa, sugat… kahit na sino nagkakaroon nun pero maingat naman kami. Maingat ang mga tao sa set. Hindi pa naman ako gumagamit ng double kaya ayun masaya,” pahayag ng aktres.

Inaabangan na ngayon ang The General’s Daughter na isa sa mga major projects na mapapanuod sa ABS-CBN sa 2019.