Gary Valenciano, masayang haharapin ang darating na Pasko

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/2/2018 9:55 AM
Gary Valenciano, masayang haharapin ang darating na Pasko


Sa promo tour ng latest album na Awit At Laro ni Gary Valenciano, isang special na version ng “Babalik Ka Din” ang pinagsaluhan ng mag-ama na si Gary at ng anak nito na si Gab Valenciano.

Dito, nabigyan pa ng mas malalim na kahulugan ang kanta na inilalarawan ang pagbabalik ni Gab sa kanyang talento bilang isang performer at bilang isang anak.

“The best yan, kasi I think I represent many na maaring buo sila ngayon pero may plano nang umalis yung isa o dalawa dahil for a life elsewhere,” kuwento ni Gary sa promo tour ng kanyang Awit At Laro album.

 

 

Ayon pa kay Gary, extra special ngayon ang darating na Pasko sa kabila ng kanilang mga pinagdanaan ngayong taon. Kabilang dito ang pagkakalagpas niya ng ligtas sa operasyon at sa mga magagandang nangyayari ngayon sa kanilang pamilya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The Princess and her Pappy!!!!Repost from @angelipv - Conversations with Pappy. “Oh no!” What Leia says when her foot gets stuck on her Pappy’s insulin pump tube while playing with her young grandfather. (The tube is attached to Gary and is connnected to the gadget that is attached to a tube connected to his body that delivers insulin 24/7) !!!! A.D.O.R.A.B.L.E. but check how like a bulldozer she just walks all over his chest with the bypass wound! πŸ˜±πŸ’•πŸ’•πŸ’• Then .. “Oh!!!” when she sees something peculiar to her πŸ˜‚πŸ˜‡ Oh Leia! Thank you Lord for this bundle of joy! (“Mima” her maternal grandmom is the amused bystander.) πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜πŸ˜‹#thevalencianos #leiavalenciano #garyvalenciano #grandfatherlove #type1diabetes39years #nataleiamartine @paolovalenciano @yosameti @gabvalenciano @kianavee @gina.t.godinez @gina_tabuena

A post shared by Gary Valenciano (@garyvalenciano) on

 

“For me as a father na kumpleto kami, may apo pa ako si Leia. We’re really complete this Christmas,” sabi pa niya.

Bilang ama naman, ramdam din ni Gary ang kasiyahan ng anak na si Gab na ipinakilala na sa kanilang pamilya ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Fam. ♥️

A post shared by Gabriel Valenciano (@gabvalenciano) on

 

“Yes, he’s very inspired. He’s working hard and he told me na, ‘Dad, parang everything is paid off, ang dami ko nang pinagdaan. And God is good. I’m starting and people are starting to believed in me and that’s enough,’ And as a father I think that’s really good for him,” pahayag pa ni Gary.