• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Rafa Siguion-Reyna, nagbahagi ng update sa Alzheimer’s disease ng lola niyang si Armida

EXCLUSIVE: Rafa Siguion-Reyna, nagbahagi ng update sa Alzheimer’s disease ng lola niyang si Armida

Nanghihinayang si Rafa Siguion-Reyna na di siya napanood ng lola Armida niya sa ‘Goyo: And Batang Heneral’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/2/2018 9:41 AM
EXCLUSIVE: Rafa Siguion-Reyna, nagbahagi ng update sa Alzheimer’s disease ng lola niyang si Armida


Photo credit to: @rafasreyna IG

Nagbahagi ng konting update si Rafa Siguion-Reyna tungkol sa health condition ngayon ng lola niyang si Arminda Siguion-Reyna na mayroon ng Alzheimer’s disease.

Ani Rafa, “Health-wise ang lakas niya kahit meron siyang Alzheimer’s. Wala siyang diabetes, wala siyang heart problem, walang siyang digestion problem.

“It’s just really her mind, pero kapag nagla-lunch kami every Sunday, kahit ano puwede niyang kainin, eh. Mahilig siya sa sweets, kumakain pa rin siya ng cake o prutas. Yon nga lang, hindi na siya masyadong nakakasalita or nakakapag-communicate.”

May mga pagkakataon din daw na napapansin niyang nakikilala pa ng lola niya ang mga tao naging bahagi ng buhay nito.

“I know, she still remembers, kasi halimbawa, nung nag-birthday siya tapos kakanta yung ibang tao ng “Aawitan Kita’, yung mukha niya parang (ngumingiti),” kuwento niya.

“I remember also, recently, when Isabel Granada passed away, may nagsabi sa kanya, kasi nagkatrabaho sila, they did a few movies, her face was like parang nagulat at nalungkot, so I still feel like in spite of her Alzheimer’s she’s still there and I’m happy that her health is still okay and we get to see her and spend time with her,” dagdag niyang kuwento.

Eh, siya ba naaalala pa ng lola niya?

“Yeah, by face, pero hindi na siya…,” tugon niya. “She doesn’t really talk much anymore. But actually, pag kinakantahan ko siya parang …

“I wish she could see how the last year has gone for me because in terms of my career, I fee like ang ganda ng wave na sinasakyan ko ngayon, and I know she will be very proud,” sambit pa niya.

May panghihinayang din on his part na hindi man lang napanood ng Lola Armida niya ang pelikulang Goyo (Ang Batang Heneral) na malaki ang kanyang naging papel.

“Sana nga napanood niya yung Goyo because up to this date that was my biggest role. Pero napapanood niya naman ako sa TV minsan, kinukuwento sa akin ng mga nag-aalaga sa kanya,” sey pa niya.

Sa isa pang kuwento ni Rafa, nagsimula raw naging malungkutin ang lola niya nung pumanaw ang kanyang lolo.

“It all started happening when my lolo passed away. I think nalungkot siya, kasi before that okay siya, eh, ganun pa rin siya. Namatay ang lolo ko 2010, so I think nalugkot siya from 2010, pero 2013 nakikita na namin na parang…

“Kasi hindi na siya lumalabas after that. That’s why every Sunday and Wednesday nagkikita kami, we went to her house, don kami nagla-lunch,” sabi ulit ng aktor na kasama sa teleseryeng Nang Ngumiti Ang Langit ng ABS-CBN mula sa RSB unit.