• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby on his role on Halik: "I could relate to Ace sa past life ko siguro"

Sam Milby on his role on Halik: "I could relate to Ace sa past life ko siguro"

Ibinahagi rin ni Sam Milby kung ano ang pinagkaiba nila ni Ace ng Halik.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/19/2018 10:18 PM
Sam Milby on his role on Halik:


Ibinahagi ng Kapamilya actor na si Sam Milby kung paano nalalayo at paano siya nakakarelate sa role niyang si Ace sa trending teleserye na Halik. Sa episode ng Magandang Buhay kahapon, December 18, ikinuwento ni Sam ang proseso niya sa pag-arte para sa nasabing role. 

"Siyempre you have to study the character, you have to study the script. I can say I could relate to Ace sa past life ko siguro.”

"Pero 'yung difference sa amin ni Ace, my whole life I have a guilty conscience, si Ace wala. Lahat nang ginagawa ni Ace, wala siyang parang 'masama ako, ang ginagawa ko.' Naghahanap siya ng reason na ako ang tama, wala siyang guilt. So even me before when I was younger, I still have a guilty conscience," kwento ni Sam sa mga momshie-hosts.

Pinatunayan naman ng host na si Melai Cantiveros na malayo sa kasalukuyang personalidad ni Sam Milby si Ace. "As a friend of Sam, very malayo (ang character niya sa Halik), sobrang Christian 'yan si Sam, sobrang takot 'yang magkasala," sabi ni Melai.

Dagdag pa ni Sam, dapat talagang kagalitan ang karakter ni Ace dahil naniniwala rin siya na hindi tama ang mga ginagawa ng karakter sa teleserye. "Ang daming galit sa akin dahil sa ginagawa ni Ace. I'm sorry po sa lahat nang ginagawa ni Ace. Masama siya, I'm sorry po," sabi ni Sam.

Patuloy na mapapanood ang Halik sa ABS-CBN Primetime Bida. Samantala, gaganap din si Sam Milby sa bagong pelikula na Mary, Marry Me kasama ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex.