• Home
  • Fresh Scoops
  • Marco Gumabao breaks silence on 'dating rumors' with Janella Salvador

Marco Gumabao breaks silence on 'dating rumors' with Janella Salvador

Inamin din ni Marco Gumabao na nagkaroon sila ng ilangan ni Elmo Magalona simula nang kumalat ang mga photos online.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/19/2018 10:22 AM
Marco Gumabao breaks silence on 'dating rumors' with Janella Salvador


Photo credit: @superjanella on IG (R)

Nilinaw ng Aurora actor na si Marco Gumabao ang isyu tungkol sa kumakalat na photo sa social media na magkasama sila ni Janella Salvador. Ayon sa interview ng press sa actor, magkaibigan lang sila ni Janella Salvador at sa katunayan ay may mga kasama pa silang ibang kaibigan noong kinuha ang picture.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mr Grey will see you now 😉 Suit by @anthonyramirezdesigner Grooming by @mac_igarta

A post shared by Marco Gumabao (@gumabaomarco) on

 

"We hang out, we went out, we were both single and noong lumabas 'yung video or picture parang nagulat kami sa (reaction ng tao) and then pinag-usapan namin and I think it's best if i-end na natin agad (ang paglaki ng isyu), because may picture nga na lumabas," kuwento ng actor. Ang tinutukoy niya ay ang mga kumakalat na larawan nila ni Janella na kuha ng isang fan sa isang resto-bar sa Taguig, noong October 29.

Pag-amin din ni Marco, nagkaroon sila ng kaunting ilangan ni Elmo Magalona sa ABS-CBN Christmas Concert noong December 11. "I went out pa nga with Elmo kasi napansin ko na parang hindi kami nagpapansinan, may kaunting iwasan na nangyayari, so lumapit ako sa kanya.

"Because of the issue may kaunting ilangan na hindi mo naman naiiwasan. So ako na 'yung lumapit sa kanya. Sabi ko, 'Sorry kung ano man ang lumabas na issue. We didn't mean na sirain ang relationship mo with Janella or what,’" kuwento ni Marco.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@metromagph June, 2018

A post shared by Poquito (@elmomagalona) on

Ayon pa sa Los Bastardos actor, naging mabuti ang sagot ni Elmo sa kanyang pagso-sorry. "Sabi niya sa 'kin, 'You know what Marco, I really appreciate you coming up to me.’ Sabi niya not most guys will do this na mag so-sorry o mag own-up sa mistake. Kasi ako aminado naman ako na nagkamali din ako kasi nga na-mislead namin ang mga tao into thinking na Janella and I were dating, pero in fact we were just going out with other group of friends.

"Kung nagkaroon lang ng konting paglabo, I'm sorry for that and nag-sorry na ako kay Elmo and kami ni Janella we're friends and everything is good," huling pahayag ng aktor.

Patuloy na mapapanuod si Marco Gumabao sa ABS-CBN Kapamilya Gold series na Los Bastardos. Kasama din siya sa bagong pelikula na Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis.