• Home
  • Fresh Scoops
  • KathNiel reveals why they’re still unbeatable as a love team

KathNiel reveals why they’re still unbeatable as a love team

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, unbeatable pa rin bilang love team at masaya sa pagiging travel ambassadors for Japan.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/19/2018 9:05 AM
KathNiel reveals why they’re still unbeatable as a love team


Sa ulat ng TV Patrol, pinatunayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ngayong 2018 na unbeatable pa din ang love team nila nang kumita ang pelikula nilang The Hows of Us ng lagpas 800 million pesos worldwide. Ito pa rin ang official highest-grossing Filipino movie of all time. 

READ: 'The Hows of Us' reaches historic P600-M mark in ticket sales

Ayon kay Daniel na may halong pagbibiro, “It’s been eight years at nagpapasalamat ako na todo ang suporta sa akin ni Kathryn at siyempre ang kanyang pagbabantay ng 24/7.”  

Nagpapasalamat naman si Kathryn sa presence ng boyfriend at katambal na si DJ. “Nagiging madali ang lahat kasi alam mong nandyan siya (DJ).”

Sa pagsalubong naman ng 2019 ay gagampanan nila ang roles bilang travel ambassadors ng Japan. “Isa yun sa paboritong places namin ni Kathryn because of the culture, the people, the food! Thank you sa pagkuha sa amin as ambassadors,” ani DJ at Kathryn.

Para naman sa Christmas plans nila, kuwento ni DJ, “Dito muna kami sasalubong. After Christmas baka do’n lumipad.”

Dagdag ni Kathryn, “New Year dun na din. Bago naman kami umalis magbe-beach kami nila DJ, pati friends namin.”