• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerrold Tarog, planong repasuhin ang unang script at costume ni ‘Darna’

Jerrold Tarog, planong repasuhin ang unang script at costume ni ‘Darna’

Nilinaw ng direktor na wala naman mababago sa mga characters na naiwan ng dating director ng Darna na si Erik Matti.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/19/2018 2:55 PM
Jerrold Tarog, planong repasuhin ang unang script at costume ni ‘Darna’


Aminado ang bagong “Darna” movie director na si Jerrold Tarog na wala pa siyang maibibigay na update ngayon kung tatanungin tungkol sa inaabangan na pelikula.

Matatandaan na si Jerrold Tarog ang napili ng Star Cinema bilang kapalit ng direktor na si Erik Matti matapos ang naging pagbibitiw nito sa nasabing Kapamilya project.

Read: Jerrold Tarog is new 'Darna' director

Ayon sa bagong “Darna” movie director, marami siyang plano na ayusin sa mga nasimulan na ni Direk Erik Matti.

“Hindi pa (nagkikita ni Liza), kasi kailangan ko ulitin ‘yung script na tina-trabaho nila Direk Erik Matti, so andon ako sa stage ngayon na kailangan ko siya i-rewrite,” tugon ni Jerrold sa launch ng DVD release nag “Goyo: Ang Batang Heneral” nitong weekend.

Aniya, nakasunod pa din siya sa na-unang draft ni Matti.

“Nag te-take off ako doon sa draft nila, so mula doon kailangan ko mag research ng konti so medyo may reset nag konti,” sabi pa niya.

Bibigyang linaw din ng direktor na wala namang magbabago sa mga unang karakter na naiwan ng unang direktor ng proyekto.

“Depende sa dami nang mga andoon na, in this case kasi si Liza [Soberano] lang naman ang naka-lock talaga e, okay naman ako doon wala namang problema,” aniya.

Kung masusunod, nais ng bagong Direktor na makilala si “Darna” na relate sa ordinaryong manonood.

“Ang treatment ko sa kanya, mas grounded na character siya so para siyang ‘Darna’ na lang na nag exist siya na parang normal lang na tao na ‘yung experience niya a lot of people can relate to,” ani Jerrold.

Bukod sa pagbabago sa script, karagdagan at pagbabago din sa costume ni Darna ang nasa plano ng bagong direktor.

“Yes, Pero may mga gagawin pa kami na additional for the costumes. Mas praktikal (smile) basta kasi mayroong design na ginawa ‘yung previous team, e medyo iba yung gusto kong direksyon,” sabi pa niya.

Ayon pa kay Direk Jerrold, hindi pa din sila nagkakausap ni Liza matapos iatas sa kanya ang proyekto.

“Hindi pa kami nakakapag-usap e, pero pag na meet ko siya doon ko palang masasabi ang expectations ko. Pero naniwala si Direk Matti kay Liza so ‘yung faith niya I’m sure, worth it ‘yung faith na ‘yun so I’m looking forward to work with her,” pahayag pa niya .

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan niya masisimulan ang shoot ng “Darna” na inaasahan na bubuin sa bagong ABS-CBN Sound stage sa San Jose Del Monte, Bulacan.