Comedian MC, naranasan nang komprontahin ng babae

Comedian MC, ikinuwento kung ano ang hindi makakalimutang karanasan sa pag-ibig

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/19/2018 9:10 AM
Comedian MC, naranasan nang komprontahin ng babae


Sa Tonight with Boy Abunda, ikinuwento ni comedian MC Calaquian kung ano ang nangyari nang komprontahin siya ng isang babae. Ayon sa kuwento ni MC, “Yung ex ko po nagkataon may ka-live in.” 

Aminado si MC na ito ang hindi niya makakalimutang karanasan sa pag-ibig. Pagpapatuloy ni MC, “’Di ba tayo pag nanliligaw, sa umpisa ibibigay mo lahat ng effort so yung lalaki talagang maho-hook sa ’yo?”

Hindi rin kinaila ni MC na alam niyang may ka-live in ang naging karelasyon niyang lalaki. “Alam kong may ka-live in.” Mas gusto din daw niya ang straight na lalaki.

Rebelasyon pa ni MC, “Mas gusto ko rin yung may anak para mas kapit. Yung hindi aalis sa ’yo kasi kapit na kapit… Lalo ‘pag dalawa ang anak Tito Boy, kapit na kapit yan!”

Pero wala daw talagang nangyaring komprontasyon sa pagitan nila ng babae. “Napasakay ako kagad ng taxi, nahiya po ako talaga. Wala pong confrontation. Tapos hinabol ako ng babae sa taxi. E bagong sweldo ako n’on kaya malayo ang narating ko. E siya siguro 500 (pesos) lang ang dala niya so bumaba ng Maynila. Ako dumirecho hanggang Parañaque.” 

WATCH Push Now Na Exclusive: Comedian MC’s bag raid