Kasunod nang pagkapanalo ni Catriona Gray sa katatapos lang na Miss Universe 2018, usap usapan ngayon ng pageant fans ang tila pag papamana na umano ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) sa franchise ng Miss Universe Philippines na pinamumunuan ni Stella Marquez - Araneta.
Kasunod ito ng mga haka-haka na ang LCS Group of Companies na ni Former Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na ang magmamana ng franchise ng Miss Universe.
Matatandaan na ang LCS Group of Companies din ang nagpondo ng matagumpay na 65th Edition ng Miss Universe sa Pilipinas noong 2017 kung saan ipinasa ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang korona kay Iris Mittenaire ng France.
READ: Chavit Singson supports holding Miss Universe pageant in the Philippines
Ngayong Disyembre 19, inaasahan ang pagbabalik Pilipinas ni 2018 Miss Universe Catriona Gray lulan ng private plane ng LCS group.
Kung matutuloy ang pagbabago ng franchise holder, si Catriona Gray ang huling Miss Universe Philippines na kinoronahan sa Binibining Pilipinas.