• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos-Recto on son Luis Manzano and Jessy Mendiola’s wedding: “Sana matuloy na”

Vilma Santos-Recto on son Luis Manzano and Jessy Mendiola’s wedding: “Sana matuloy na”

Hindi napigilang maluha ni Jessy Mendiola dahil sa patuloy na suporta ni Vilma Santos sa kanya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/18/2018 2:34 PM
Vilma Santos-Recto on son Luis Manzano and Jessy Mendiola’s wedding: “Sana matuloy na”


May pahayag ang Star for All Seasons at congresswoman na si Vilma Santos tungkol sa kasal ng anak na si Luis Manzano at nobyang Jessy Mendiola. Mula sa phone interview sa Magandang Buhay, December 18 episode, hiniling ni “Ate Vi” na sana ay matuloy na ang kasal ng long-time celebrity couple. 

 

"Siyempre naiinip na rin ako dahil ang feeling ko kung 'yun ay para sa kanilang dalawa sana ay go na. Pero at the end of the day, uulitin ko lang, ang huling magdedesisyon ay silang dalawa, kasi silang dalawa talaga ang magsasama. Pero kung silang dalawa naman, sana matuloy na," sabi ni Vilma.

Nagbigay din ng advice ang Lipa City congresswoman para sa girlfriend ng kanyang anak na si Luis. "I know love is very important pero palagay ko siguro, sa experience ko lang, ang pinaka-importante ay 'yung respeto muna. You really have to respect your partner. There's no such thing as adjustment period. The whole time of the relationship ay adjust kayo ng adjust sa isa't isa," dagdag na pahayag ni Vilma.

May dalawang taon nang magkasintahan sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Noong nakaraang Agosto, nakita ng mga fans sa isang Instagram story ni Luis ang pagpaplano nila ni Jessy ng kasal. 

WATCH: Luis Manzano and Jessy Mendiola pinaplano na ang kasal?

Nagpasalamat naman si Jessy sa mensahe ni Vilma at sinabing gusto na niya itong makita muli. "Momski, thank you po sa pagmamahal. Tuwing nandiyan ako sa inyo ay palagi niyo akong niyayakap at palagi niyo akong sinasabihan ng advice. Thank you lang po. Sobrang bait niyo lang po. I hope to see you very soon, miss ka na po namin. I love you Momski," sabi ni Jessy.

Hindi naman mapigilan ni Jessy na maging emosyonal sa huling pahayag ni Ate Vi, na patungkol sa mga taong nanghuhusga sa aktres. "Sana ay mapanood niyo naman si Jessy kasi sometimes minsan mahirap na maghusga tayo sa tao dahil lang sa nakikita natin. Ang importante ay kilalanin niyo muna ang tao. At kapag sinuportahan niyo si Jessy, tandaan niyo sasabihin ko hindi kayo magsisisi. So good luck," huling pahayag ni Ate Vi bago matapos ang phone interview.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

You light up my world. 💜💛🧡💙💚

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

READ: Will Luis Manzano finally propose to Jessy Mendiola in Paris?

Pagbibidahan ni Jessy Mendiola kasama si Jericho Rosales ang pelikulang The Girl in the Orange Dress na mapapanood sa December 25.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Please catch me on #TWBA later!!! 🧡 #tonightwithboyabunda #thegirlintheorangedress 🧡

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

 

READ: Jessy Mendiola, naiyak nang amining muntik na siyang mag-quit ng showbiz