• Home
  • Fresh Scoops
  • Catriona Gray, may scoliosis at nahirapang gawin ang slow-mo twirl noong una

Catriona Gray, may scoliosis at nahirapang gawin ang slow-mo twirl noong una

Nicole Cordoves, sinabing may mga na-encounter na aberya sa Miss Universe 2018 pageant si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/18/2018 9:25 AM
Catriona Gray, may scoliosis at nahirapang gawin ang slow-mo twirl noong una


Photo credit: @misterjohn on TW/ @queens.ph on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, nakapanayam ng King of Talk Boy Abunda si Nicole Cordoves, beauty queen, hurado sa It’s Showtime, at isa rin sa mga nakasaksi sa training na pinagdaanan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon sa kanya tungkol sa slow-mo twirl ni Catriona ay, “Prinactice niya po yan with Kuya Carlos ‘Kuya Caloy’ Buendia Jr. at may scoliosis siya, Tito Boy. So yung first few practices nila talagang umiiyak siya. Kasi yung posture pa lang na you’re going to pull yourself like this para straight na straight yung body mo and you get the curves, ang hirap para sa kanya.”

READ: Tyra Banks reacts to Catriona Gray's trending 'slow motion' walk

Wala rin daw binantayan na co-candidate si Catriona. Pag-amin naman ni Boy—na isa rin sa mga naging mentors ni Cat—na sa isang pag-uusap nila ni Cat ay may nabanggit ito na dalawang candidate but “napa-focused talaga niya.”

Ayon kay Nicole, lingid sa kaalaman ng lahat may mga naging challenges din si Cat habang nagyayari ang kompetisyon. “Everything that could go wrong went wrong.” Kuwento pa ni Nicole, “Nung sa swimsuit, si Venezuela nangain ng air time. Makikita niyo sa likod si Catriona nagbabagal para magawa niya sa camera yung slow-mo twirl niya so medyo nag-off yung timing, yung camera panning…”

May aberya din daw na nangyari sa long-gown competition. “Sa long gown, nag-swirl siya sumabit yung hair niya kasi one-sided lang dapat yun e. Tina-try niyang hawiin yung hair niya pabalik,” ayon kay Nicole. Pero dagdag niya tungkol kay Catriona, “but she was unfazed and I’m so thankful for that.”

Ang naging lesson naman ni Nicole sa naging journey ng kaibigan ay, “You don’t rely on luck… you pave your own way and you intend to fulfill your destiny for yourself and that’s just what Cat did.”

Agree naman dito si Boy na nagsabing, “ika nga, luck is the residue of hard work.”