• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo at Ian Veneracion together again sa isang proyekto

Bea Alonzo at Ian Veneracion together again sa isang proyekto

Bea Alonzo at Ian Veneracion, first time magkita muli matapos ang kanilang huling teleserye na 'A Love to Last.'

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/17/2018 3:31 PM
Bea Alonzo at Ian Veneracion together again sa isang proyekto


Isa sa mga inabangang musical number sa “Family Is Love” ng ABS-CBN Christmas Concert ang muling pagsasama nina Bea Alonzo, Ian Veneracion. Kasama din sa number ang bagong leading man ni Bea na si Richard Gutierrez.

Matatandaan na huling nagsama sina Bea at Ian sa hit telerserye na “A Love To Last” na napanood noong 2017.

Kaya naman, aminado si Bea at Ian na-miss nila ang isa’t-isa.

“Nakaka-miss! Nakaka-miss si Papa Ian,” sabi ni Bea.

Gaya ni Bea, nasabik din si Ian na makita ang dating kapareha sa Kapamilya serye.

“Oo naman! Siyempre na miss ko si Bea, galing kami sa isang show noon. Araw-araw kami magkasama and ngayon lang kami nagkita ulit,” dagdag pa ni Ian.

At sa kanilang muling pagtatambal, first time nilang makakasama sa isang proyekto si Richard Gutierrez na mas magpapatingkad ng kanilang paparating na project.

“I’m gonna be working with Bea and Richard Gutierrez soon so I’m excited about it ang ganda ng concept!” patikim ni Ian.

Gaya ng aktor, excited din si Bea para sa kanilang bagong proyekto.

“Lalo na ngayon may bonus pa na kasamang gwapong-gwapo na Richard Gutierrez. First time ko to be working with Richard. It's actually our first conversation kami dalawa ni Richard,” pahayag pa ni Bea.

Sa ngayon, wala pang official announcement kung kailan sisimulan ang kanilang proyekto.