Kasabay ng inaabangan na 67th Edition ng Miss Universe pageant, ang pagsubaybay ng pageant fans kay Catriona Gray at ang kanyang kasuotan.
Una na dito ang ang emerald green Thai-inspired outfit na likha ni Anthony Ramirez.
Sinunandan ito ng white sampaguita-inspired dress ni Noel Crisostomo.
White shirt at T’boli-inspired embroidered skirt ni NiΓ±o Franco
Filipino-designed jacket mula sa Lahi Lifestyle
Blue silk gown ni Anthony Ramirez.
T’Nalak fabric-inspired dress mula South Cotabato.
White modern Filipiniana ni Charina Sarte
Nurda callado in pinya silk top at T’nalak-painted skirt ni Jearson Demavivas
Filipiniana top at Ifugao skirt ni Jearson Demavivas
At ang mustard yellow gown hand painted with anahaw leaf pattern.
Bukod sa mga naging outfit, angat na angat din ang talentong Pinoy sa naging National Costume ng Pinay beauty na ipinaliwanag pa niya ang bawat kahulugan.
Sa Preliminary Competition, pasabog din ang Ibong Adarna gown ni Catriona na likha ng designer na si Mak Tumang.
Ayon naman sa celebrity stylist na si Justine Aliman na tumutok sa outfit ng Pinay beauty, pinagisipan at pinaghandaan talaga ang bawat kausotan para sa magiging laban.
“Sobrang matagal na pinaghandaan ni Cat ang mga ito, actually sa buong team namin since pagkatapos pa lang ng Binibining Pilipinas,” kuwento pa ng kaibigan na stylist ni Catriona.
Aniya, hindi nila nakitaan ng pagkapagod ang Pinay Miss Universe candidate sa mga ginagawa nito.
“Actually sinasabi niya na hindi siya napapagod, pero sabi niya mapapagod din siya,” sabi pa niya.
Kahit na abala sa iba’t-ibang appearances, hands on daw si Catriona sa naging mga pasabog niya.
“Iba ‘yung dedication niya sa bagay na ginagawa niya andoon ang kanyang focus at talagang OC siya sa mga detalye,” pahayag pa ni Justine.
Sa darating na December 17, mapapanuod ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.