• Home
  • Fresh Scoops
  • Ano ang gown na posibleng suotin ni Catriona Gray sa Miss Universe coronation night?

Ano ang gown na posibleng suotin ni Catriona Gray sa Miss Universe coronation night?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/16/2018 11:31 AM
Ano ang gown na posibleng suotin ni Catriona Gray sa Miss Universe coronation night?


Photo credit to: @catriona_gray IG

Mula sa mga naging pasabog ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray sa preliminary competition ng 67th Miss Universe pageant, isa ngayon sa inaabangan kung ano ang kanyang magiging suot na gown para sa mismong coronation night.

Sa Facebook post ng fashion designer na si Mak Tumang, ibinahagi nito ang ilan sa kanyang mga naging sketch na posibleng isuot ni Catriona.


Bandila 
Photo by Mak Tumang Facebook 


Las Islas
Photo by Mak Tumang Facebook


Del Mar
Photo by Mak Tumang Facebook 


Region Del Sol 
Photo by Mak Tumang Facebook 

Kapansin-pansin na pawang mga disenyo ay sumisimbolo sa Pilipinas.

Matatandaan na si Tumang din ang gumawa ng gown ni Catriona Gray nang nanalo ito bilang Miss Universe Philippines sa Binibining Pilipinas.

Sa darating na December 17 mapapanuod ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.