• Home
  • Fresh Scoops
  • THROWBACK: Jodi Sta. Maria poses in a traditional photo studio

THROWBACK: Jodi Sta. Maria poses in a traditional photo studio

A lot of netizens could relate to Jodi Sta. Maria’s Instagram post.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/15/2018 11:19 AM
THROWBACK: Jodi Sta. Maria poses in a traditional photo studio


Photo credit: @jodistamaria IG

Marami ang naka-relate sa “Flashback Friday” Instagram post ni Jodi Sta. Maria kung saan ibinahagi niya ang kanyang litrato na kuha sa isang photo studio. Bago pa mauso ang smart phones at social media, madalas ay pumupunta ang mga tao sa photo studio para kumuha ng mga litrato.

“Noong usong-uso pa magpa-picture ang high school barkada sa mga photo studio. Eto ang bakas ng kahapon. Na-experience nyo rin ba ito?” ani Jodi sa kanyang caption.

Karamihan sa kanyang followers ay inalala ang kanyang pagganap sa ‘90s show na Tabing Ilog at sinabing walang kupas ang ganda ng aktres. Sa kasalukuyan ay naghahanda na si Jodi sa kanyang pagbabalik telebisyon sa teleseryeng Mea Culpa.