• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso evictee Aljon Mendoza, liligawan si Karina kung wala itong boyfriend

PBB Otso evictee Aljon Mendoza, liligawan si Karina kung wala itong boyfriend

PBB Otso evictee Aljon Mendoza, liligawan si Karina kung wala itong boyfriend.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

12/15/2018 11:01 AM
PBB Otso evictee Aljon Mendoza, liligawan si Karina kung wala itong boyfriend


Photos credit to the owners

Sa Tonight with Boy Abunda, nagpapasalamat si Pinoy Big Brother Otso teen evictee Aljon Mendoza sa mga sumusuporta sa closeness nila ni housemate Karina Bautista. Ani Aljon, “Gusto ko pong magpasalamat sa kanila dahil nakikita po nila yung pagiging close po namin ni Karina. Yung pagiging matatag ng friendship po namin.”

May mensahe din naman si Aljon sa mga tumututol sa kanila. “Kami po ni Karina sobrang kumportable po talaga kami sa isa’t isa. Minsan po sa sobrang close po namin sa isa’t isa natutukso din po kami ng ibang housemates. Kaya hindi maiwasan yung kiligin po…”

Dagdag pa niya walang dapat ipag-alala ang mga tumututol sa friendship nila ni Karina. “May limits naman po kasi, alam naming kung hanggang saan lang yung pagiging sweet namin sa isa’t isa.”

Paglilinaw ni Aljon, “best friends” lang sila ni Karina. Sinabi pa niya minsan na 20 percent lang ang pagtingin niya kay Karina at 80 percent ang friendship. Paliwanag niya tungkol dito, “Mas nangingibabaw po yung pagkakaibigan po naming dalawa and mas tini-treasure ko po yun.” May kinalaman din daw ito sa pagkakaron ng boyfriend ni Karina. “Pinipigil ko din po yung sarili ko na wag na pong dumagdag yung 20 percent. Manatili na lang po dun.”

May mensahe din si Aljon sa boyfriend ni Karina. “Sana naintindihan mo at wag kang magalit kay Karina kasi close lang talaga kaming dalawa. Minsan nagkakaroon ng kilig sa akin… parang natural lang naman yun kasi mag-best friends kami, close talaga kami and hindi naman namin maiiwasan yun kasi kami-kami lang din naman yung nagkikita sa bahay…Wala kang dapat ipag-alala kasi wala naman akong balak na sirain kayo ni Karina.”

Ganunpaman, hindi na nagpatumpik tumpik si Aljon at inamin niya na kung walang boyfriend si Karina ay liligawan niya ito.

Nauna nang inamin ng isa pang teen evictee na si Art Guma na nahulog din ang loob niya kay Karina.

READ: PBB evictee Art Guma admits falling for housemate Karina Bautista