Aminado ang Kapamilya actor na si Aljur Abrenica na nasa 'hype' pa rin siya ng kakatapos lang na kasal niya kay Kylie Padilla. Sa interview sa Kapamilya Chat nitong Biyernes December 14, ipinaliwanag na din ng aktor kung bakit tila biglaan ang pagpapakasal nila ni Kylie.
"The reason why, kasi this is the only time na mabubuo ang pamilya ni Kylie, kasama ang mga kapatid niya from Australia and her mom. Eto lang yung time na pwede so sabi ko, let's go." pahayag ni Aljur.
Hindi inaasahan ng mga fans ang biglaang paglabas ng mga wedding photos nina Aljur at Kylie sa social media simula noong Miyerkules, December 11.
WATCH: Aljur Abrenica marries Kylie Padilla
LOOK: Kylie Padilla shows off her wedding ring
Dagdag ni Aljur, nagkaroon lang sila ng dalawang linggong paghahanda para sa kasal. "Nag honeymoon na kami sa bahay lang. Nag-ayos kami ng bahay. We spent our time with our baby.
"Kasi these past two weeks hindi namin masyado nakasama ang anak namin, dahil nag-focus kami sa pagpeprepare. Nag-prepare kami less than a month, na-settle lahat in less than two weeks. So medyo angdami naming inayos," sabi ni Aljur.
Nang tinanong naman si Aljur kung may balak pa silang sundan ang anak na si Alas Joaquin, agad siyang sumagot, "Apat pa ang gusto ko. Kaso mukhang mag-nenegotiate pa kami ni Kylie."
Mapapanuod si Aljur Abrenica sa bagong episode ng Ipaglaban Mo: Dalisay ngayong Sabado December 15, kasama si Empress Schuck.