‘Los Bastardos’ Boys, may inihahandang pasabog

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/14/2018 9:01 AM
‘Los Bastardos’ Boys, may inihahandang pasabog


Photo credit: @losbastardos_abscbn on IG

Painit na nang painit ang bawat eksena ngayon sa telerseryeng Los Bastardos.

Marami ang naghahanap kay Diego Loyzaga na gumaganap bilang si Joaquin Cardinal na isa sa mga bastardong anak ni Don Roman.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The main cast of #PHRLosBastardos during the #KapamilyaChristmasTradEvent tonight. #PHRLosBastardos

A post shared by losbastardos_abscbn (@losbastardos_abscbn) on

 

Kuwento ni Jake Cuenca at Albie Casiño masasagot ang maraming tanong sa paparating na episodes.

“Mapapanuod ninyo this week and next week maraming rebelasyon. Masasagot ang tanong ng marami,” sabi pa ni Jake.

“Lahat ng tanong n’yo masasagot (laughs),” dagdag naman ni Albie.

Para naman kay Marco Gumabao at Joshua Colet, Iba pa rin kapag lima silang nasa set at nagkukulitan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The boys are ready! #PHRLosBastardos #RSBDramaUnit #ASAPOctoverload

A post shared by losbastardos_abscbn (@losbastardos_abscbn) on

 

“Oo naman. Siyempre name-miss. We started out na lima kami and now we’re down to four. Siyempre name-miss namin yung company niya at yung friendship niya pero the show goes on. Itutuloy namin kung ano ang nandito,” kuwento ni Marco.

All the best naman ang hiling ni Joshua para kay Diego na inaabangan ngayon ng marami.

“Siyempre lagi namin siya pinag-uusapan. We only wish the best for him talaga,” sabi naman ni Joshua.

May mensahe naman si Jake para kay Diego na lagi silang bukas para makinig at tumulong bilang mga kaibigan.

“Right now wala. There’s no communication going on. All we know is he’s okay, he’s doing better. And with that being said, parang at the end of the day parang this is something he needs to go through with his family more than friends. Sa amin naman, if the line is open we will talk to him,” pahayag ni Jake.

Napapanuod araw-araw tuwing hapon ang Los Bastardos sa ABS-CBN.