Makapigigil hininga ang naging pagrampa ng mga kanidata sa preliminary competition ng 67th Edition ng Miss Universe pageant sa Bangkok,Thailand.
Kabugan, pagandahan at patalbugan sa pagrampa ang 94 na kandidata na naglalaban laban para sa Miss Universe crown.
Mula presentation, swimsuit, at evening gown, hindi nagpahuli ang 24-year -old candidate ng Pilipinas na si Catriona Gray.
Pagpapakilala palang, palakpalakan na ang pageant fans na nagpakita ng suporta kay Catriona.
Hot topic naman ngayon ang kanyang pinausong rampa sa swimsuit round ng preliminary competition by Miss Universe.
Elegante naman ang naging pagrampa ng Pinay beauty sa Phoenix inspired o Adarna gown ni Mak Tumang.
Sa darating na Disyembre 17, mapapanood ang exclusive telecast ng Miss Universe 2018 sa ABS-CBN.