• Home
  • Fresh Scoops
  • Yam Concepcion, nakakatanggap ng messages mula sa mga mistresses

Yam Concepcion, nakakatanggap ng messages mula sa mga mistresses

Yam nakatanggap na din ng parangal dahil sa kanyang daring role bilang Jade sa ‘Halik.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/13/2018 3:53 PM
Yam Concepcion, nakakatanggap ng messages mula sa mga mistresses


Hindi na maawat ang mga kaganapan sa buhay ni Jade na lead character sa top-rating telerserye na Halik.

Ayon kay Yam Concepcion na gumaganap bilang isang mistress, marami pang pasabog na kuwento ang dapat abangan sa teleserye.

“Naku, aasahan natin ang second chances, even though you're a bad person there's always hope to change and to be better, so makikita natin yan kung paano ma-realize ni Jade ang mga pagkakamali niya at kung paano niya itatama ito," bungad ni Yam sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa Family Is Love Christmas Concert 2018 sa Araneta Coliseum.

Aniya, dapat din abangan kung mapapatawad nga ba siya ni Lino.

“Feeling ko kasi sa lahat ng mga nagawa ni Jade, she's not deserving of his love anymore, but I feel like, kung mahal talaga nila ang isa't isa, love always wins,” aniya.

Dahil markado na ngayon bilang si Jade na umiibig sa isang lalaking may asawa, aminado si Yam na nakakatanggap siya ngayon ng mga mensahe mula sa mga nasa parehong sitwasyon.

“Meron, maraming nag-DM (direct message) sa 'kin na mga babae like from New York, mga OFW, na talagang sabi nila na 'we're mistresses also', and ‘I don't blame you Jade kasi nagmahal lang naman tayo,’ iba-iba 'yan kumbaga lahat tayo we can judge them because mistresses, parang hindi nila pinlano 'yun, hindi nila pinlano na magmahal and to be a mistress, and no one wants to be a mistress,” aniya.

Paliwanag ni Yam, “I'm not saying na it's right to be a mistress but we can't judge them, kasi iba ang sitwasyon nila e, huwag husgahan,” sabi pa niya.

Napansin din si Yan ng isang award-giving body kung saan itinanghal siya bilang trending TV Actress para sa Halik.

“Siyempre, nakakatuwa. This is my first ever award which even more special to me, maganda kasi nare-recognize 'yung hard work mo, 'yung trabaho mo, so mas lalo ako na inspire na pagbutihan ang trabaho mo na gingawa mo,” pahayag pa ni Yam.