Umeksena at pinag-usapan ang national costume ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray sa naganap na pagrampa ng mga kandidate na ginanap saThailand.
Pero sa social media, magkakahalong reaksyon ang nakuha mula sa Netizens.
May mga iba ang ini-expect na isusuot ni Catriona dahil nanatiling secret ang kanyang National Costume hanggang sa araw ng competition.
Meron naman nagsabi na national costume pa lang, natapos na ang laban para sa 2018 Miss Universe.
Mayroon din naman mga nanghinayang sa hindi pagsindi ng Pampanga parol, na highlight sana ng national costume ng Pinay Miss Universe candidate.
At may mga solid followers ni Catriona ang nag post ng kahulugan ng bawat detalye ng National Costume at kung ano ang kahalagan nito.
May ilang parody videos na din ng pagrampa ni Catriona ang nagiging viral ngayon.
Iba’t-Iba man ang naging reaksyon sa kakaibang national costume ni Catriona sa 2018 Miss Universe, marami padin ang umaasa na maiuuwi niya ang ika-apat na crown para sa Pilipinas.
Mapapanuod ang 2018 Miss Universe coronation show sa darating na December 17, sa ABS-CBN.