Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, reveal wedding date

May date na ang kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, na na-postpone nang dahil sa pagbubuntis ni Sarah sa kanilang pangalawang anak.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/13/2018 4:00 PM
Richard Gutierrez and Sarah Lahbati, reveal wedding date


Photo credit: @sarahlahbati/ @_magandangbuhay on IG

Nagkuwento na tungkol sa planong kasal ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Sa episode ng Magandang Buhay, ngayong araw December 13, ni-nireveal ng dalawa na sa year 2020 na magaganap ang kanilang kasal. Matatandaang ipinagpaliban muna ng dalawa ang kanilang wedding dahil nagbuntis si Sarah sa kanilang ikalawang anak na si Kai. 

 

“2020, which is malapit na,” pag-aannounce ni Richard. “Yung pagpa-plano pala ng wedding, medyo malaki (kasi) pamilya namin kaya medyo mahirap.”

READ: Richard Gutierrez on finally proposing to Sarah Lahbati: ‘I just want to make it right’

Ayon kay Sarah, hands on si Richard sa pagpaplano, habang siya ay in-charge sa mga minor details ng kanilang kasal.

“Bigger details, nandiyan siya to organize with me. Ang hirap kami ngayon ay yung in terms of making it intimate, (dahil) ang laki ng families namin,” kwento ni Sarah sa mga momshie hosts.

Kahit nahihirapan sa pag-oorganize gawa ng malaking pamilya, aminado naman si Sarah na excited siya sa kanilang big day bilang mag asawa. “So masaya na nakaka-nerbyos na exciting yung process of organizing a wedding, but were super excited mostly,” dagdag ng aktres.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

just trying to take family photos... 😂

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

 

Masaya at proud si Richard sa relasyon nila ni Sarah , na para sa kanya ay ‘solid.’ 

"Yung relationship namin masasabi ko ngayon na were in a very happy place, na very solid. Yung growth namin as a couple, napagdaanan na namin lahat,” ani Richard.

Sagot naman ni Sarah, “Katulad ng sinabi ni Chard, sobrang solid namin ngayon. We've never been this rock solid, and I’m thankful.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

l’amour de ma vie 💍

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

 

Abala naman si Richard ngayon sa pag-promote ng kanyang movie kasama si Vice Ganda, ang Fantastica, na ipapalabas na sa Metro Manila Film Fest sa darating na December 25.