LOOK: Heart Evangelista posts another 'grocery' OOTD

Actress Heart Evangelista thanks those who found humor in her posts on social media.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/13/2018 5:39 PM
LOOK: Heart Evangelista posts another 'grocery' OOTD


Photo credit: @iamhearte on IG

Trending nitong nakaraang araw ang Instagram story ni Heart Evangelista na nakasuot ng gown at sinabing lalabas siya papuntang grocery para bumili ng corned beef. Agad na nagbigay ng kani-kanilang nakakatawang entry ang mga netizens sa facebook. 

 

VIRAL: Heart Evangelista's OOTD when buying corned beef at the grocery

Dalawang araw ang nakalipas mula nang mag-viral ito, ay may bago na namang post ang aktres sa kanyang social media account. Suot ang isang formal white dress at full make up, sinabi ni Heart na aalis siya para bumili lamang ng itlog na pula. 

Video courtesy: Heart Evangelista's IG

"So this is my outfit for today. On my way to buy, itlog na pula," sabi ni Heart sa video, na biglang natawa at sinabing, "I can't do it anymore." 

Sa sumunod na Instagram Story niya, nagpasalamat si Heart sa mga napasaya at gumaya ng kanyang video. "Thank you all for the overwhelming support! Seeing all your extra effort to dress up just for laughs makes me so happy," sabi ng aktres sa kanyang photo kung saan may hawak naman siyang isang piling na saging.