KILALANIN: Mga Hurado sa 2018 Miss Universe

Dalawang may dugong Pinoy ang uupo bilang mga hurado sa coronation night ng Miss Universe 2018.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/13/2018 3:50 PM
KILALANIN: Mga Hurado sa 2018 Miss Universe


Simula na ng countdown para sa  Miss Universe 2018. Decemeber 17 dito sa Pilipinas mapapanood ang kanilang coronation show na gaganapin sa Thailand.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🚨1 WEEK🚨 Who will take home the #MissUniverse crown? Tune in Dec 16 at 7pm ET only on @FOXtv.

A post shared by Miss Universe (@missuniverse) on

 

Dagdag tension din ngayon ang pagpapakilala ng all female judges o selection committee na pipili sa 67th edition ng Miss Universe.

 

 

Una na dyan ang Philanthropist na si Bui Simon o kilala din nilang si Porntip Nakhirunkanok Miss Universe 1988 mula sa Thailand na isa na ngayong goodwill ambassador at civic leader.

 

 

Pangalawa si Iman Oubou, na isang Morocan-American self-made entrepreneur, published scientist, medical missionary at former beauty queen na may misyon na baguhin ang media landscape ng mga kababaihan.

 

 

Kasunod si Janaye Ingram, na isang dating beauty queen at executive director ng National Action Network, isang civil rights organization sa US. 

 

 

Isa din sa judges ang 1992 Miss Universe na si Michelle McLean mula sa Namibia. Isa na siyang aktres at writer ngayon. 

 

 

Kasama din ang Filipino-American fashion designer na si Monique Lhuillier sa esteemed panel of judges.

 

 

Si Richelle Singson-Michael, businesswoman and organizer ng naganap na Miss Universe dito sa bansa noong 2016, ay napili din bilang isa sa mga judges. 

 

 

Last but not the least ay ang award-winning entrepreneur na si Lili Gil Valletta.

Ayon din sa panayam ng ABS-CBN News sa Miss Universe Organization president Paula Shugart, may bago ding rules ang Miss Universe ngayong taon. Imbes na Top 15, magkakaroon ng Top 20, na i-titrim down sa Top 10. Sa Top 10 naman kukunin ang 5 contestants na sasabak sa Q&A portion at mula sa kanila 3 ang magmu-move on sa last and final round. 

Magaganap ang preliminary competition ngayong December 12.