• Home
  • Fresh Scoops
  • Kapamilya Shows, pinuno ang TOP 10 Trending of 2018 ng Google PH

Kapamilya Shows, pinuno ang TOP 10 Trending of 2018 ng Google PH

Halik, Kadenang Ginto, Bagani at iba pang Kapamilya shows ang kumumpleto sa Google Top Trending TV Shows for 2018.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/13/2018 8:34 PM
Kapamilya Shows, pinuno ang TOP 10 Trending of 2018 ng Google PH


Sa inilabas na listahan ng Google Trends para sa taong 2018, nasungkit ng mga Kapamilya Shows ang buong listahan ng Top 10 Trending TV Shows. Nanguna ang Chinese remake ng Meteor Garden, sumunod ang isa pang Chinese TV Series na A Love So Beautiful na nagsimulang ipalabas sa ABS-CBN noong April at pumangatlo ang original ABS-CBN TV Series na Halik. 

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Halik ABS-CBN (@halikofficial_abscbn) on

 

Kinumpleto naman ng ilan pang ABS-CBN shows ang listahan tulad ng Bagani at Kadenang Ginto, kasama ang mga Asianovela na Hwayugi, Go Back Couple, What's Wrong with Secretary Kim, at Doctor Crush. 

Samantala, naglabas din ng iba pang listahan ang Google PH para sa Top Trending News, Events, Games, Movies, Male at Female Personalities, Losses at Overall Trending.

Kasama sa Top Male and Female Personalities ang ilang Kapamilya stars tulad nina Angel Aquino at KZ Tandingan. Kasama din sa Top 10 Movies ang The Hows of Us na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Tignan ang kumpletong listahan sa baba: