Vice Ganda, nakatanggap ng bulaklak mula kay Calvin Abueva

Calvin Abueva handed a bouquet of flowers to Vice Ganda while he was onstage.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/12/2018 8:32 AM
Vice Ganda, nakatanggap ng bulaklak mula kay Calvin Abueva


Photo credit: @calvin.abueva.9465/ @praybeytbenjamin on IG

Kinilig ang mga manonood ng isang pageant sa Pampanga nang abutan ng bouquet ng bulaklak ni PBA player Calvin Abueva si Vice Ganda habang nasa stage ito. Dumalo ang dalawa sa pageant bilang mga guests.

Mabilis namang kumalat ito sa social media.

Bagamat nilinaw na ng It’s Showtime host na malapit na kaibigan lamang niya si Calvin, hindi naman kaila na masaya siya sa kanilang estado ngayon.

Read: Vice Ganda, inaming pinasasaya siya ni Calvin Abueva

Kamakailan din ay naging laman ng balita ang pagnood ni Vice Ganda sa laro ni Calvin. Sa isang episode din ng noontime show ay sinabi ni Vice na ang PBA player ang kanyang “sunshine.”