• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard at Raymond Gutierrez, nagkaroon daw ng alitan noon dahil sa babae?

Richard at Raymond Gutierrez, nagkaroon daw ng alitan noon dahil sa babae?

Binuking ni Ruffa Gutierrez ang mga kapatid na sina Richard at Raymond noong nagkaroon ng away dahil sa isang babae.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/12/2018 4:45 PM
Richard at Raymond Gutierrez, nagkaroon daw ng alitan noon dahil sa babae?


Photo credit: @mond on IG (R)

Sa episode ng Magandang Buhay ngayong araw, December 12, ibinuking ni Ruffa Gutierrez ang dating away ng mga kapatid na sina Richard at Raymond. Ayon kay Ruffa mula phone patch, minsang hindi nag-usap ng halos isang taon, ang kambal dahil sa ex-girlfriend ni Richard na best friend naman ni Raymond.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🚨shoot with @richardgutz 🚨🔜

A post shared by Mond Gutierrez (@mond) on

 

“Wala ako doon. Pero nabalitaan ko si Mond (Raymond) and Chard (Richard) hindi nag-usap ng isang taon. ‘Wag na nating banggitin ang name dahil may kanya-kanya na silang buhay ngayon.”

"Pero si Mond kumampi sa babae niyang best friend dahil iniwan ni Chard. Tapos si Chard nagkaroon ng Brazilian na girlfriend. Kaya biglang nag away-away,” kwento ni Ruffa na pinigilan ng mga momshie-hosts dahil sa maintrigang kwento tungkol sa kapatid. 

“Medyo namutla ata si Chard, no mentions of names pero syempre bati-bati na silang lahat ngayon,” pahabol ni Ruffa sa kapatid na tumatawa na. 

Sagot ni Richard, “Hi ate, kamuntikan ng maging showbiz talk show itong Magandang Buhay." 

Dagdag na kwento naman ng aktres, generous sa pamilya at sa mga kaibigan ang kapatid niyang si Richard, na isa rin sa mga hinahangaan niya sa aktor. “Ang maganda kay Chard kasi, very generous siya. Hindi lang sa amin pati sa mga pinsan niya, sa lahat ng tao. Pag meron siya, he’s very generous. Wala kaming problema when it comes to that," aniya.

Panganay sa magkakapatid na Gutierrez si Ruffa, na sinundan nina Rocky, Elvis, Richard, Raymond, at Ritchie. 

Isa naman si Richard Gutierrez sa main cast ng bagong Vice Ganda movie na Fantastica