• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu gets emotional over her loyal fan and friend Juliet

Kim Chiu gets emotional over her loyal fan and friend Juliet

‘Natutuwa lang ako kasi, for so many years may nagtataas pa rin ng banner para sa 'yo,’ sabi ni Kim Chiu.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/12/2018 10:38 AM
Kim Chiu gets emotional over her loyal fan and friend Juliet


Hindi na napigilan ni Kim Chiu na maging emosyonal dahil sa lubos na suporta ng kanyang fan at kaibigan na si Ate Juliet. Sa episode ng Magandang Buhay noong December 11, ipinakilala ni Kim si Ate Juliet na may dalang light board na may nakasulat na, "Kim Chiu Global."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@chinitaprincess Chikahan #CHIUgether sa @_magandangbuhay ! #KimChiuOnMB #KimChiu

A post shared by Chinita Princess Kim Chiu 👑 (@kimchiu.ph) on

"Alam niyo, si Ate Juliet ang laging may dalang light board everywhere I go. Nag ASAP pa yan, nag mall show pa, tapos nag-PBB. This is Ate Juliet," pagpapakilala ni Kim.

Ayon kay Kim, isa si Ate Juliet sa mga nagtatanggol sa kanya kapag siya ay nagbabash. "Siya lang yung mahilig mag pa-interview. Tapos si Ate Juliet, isa siya sa mga nakikipaglaban para sa akin," pahayag ni Kim.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Live each day with a grateful heart.”.❤️ happy sunday everyone!!!💋💋💋

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Hindi naman napigilang maluha ng Kapamilya actress nang sinabi ni Ate Juliet na, "Parang feeling ko lang po, kapag nakikita niya po ito, nakangiti na po siya."

Nagpasalamat si Kim kay Ate Juliet at sa ilan pa niyang mga solid fans na sumusuporta sa kanya simula nang nanalo siya sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006, hanggang ngayon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My Always!❣️ @xianlimm

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

 

READ: WOW! Kim Chiu's may kama at may dresser sa loob ng bagong van

"Natutuwa lang ako kasi, for so many years may nagtataas pa rin ng banner para sa 'yo. Feeling ko may mga solid supporters pa rin ako.

"I'm very grateful, sa kahit nasaan ako, kahit ano ginagawa ko, pinaparamdam nila sa akin na nandiyan sila. Suwerte ako, na wala naman akong ginagawa sa kanila, wala naman akong binibigay na kahit na ano, so sobrang I'm so lucky," pahayag ni Kim. 

Bibida sa bagong pelikula si Kim Chiu na One Great Love, kasama sina Dennis Trillo at JC De Vera. Ang movie ay kalahok din sa darating na Metro Manila Film Festival 2018. 

READ: Dennis Trillo on being Kim Chiu’s first love scene partner: ‘Pareho talaga kaming kinakabahan’

READ: Kim Chiu admits Xian Lim is supportive of her first ever love scene: ‘Open naman siya sa mga ganun’