• Home
  • Fresh Scoops
  • Empoy Marquez ipinakilala bilang Tourism Ambassador ng Japan

Empoy Marquez ipinakilala bilang Tourism Ambassador ng Japan

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/12/2018 10:47 AM
Empoy Marquez ipinakilala bilang Tourism Ambassador ng Japan


Photo credit: @empoy on IG (L)

Ipinakilala bilang Ambassador ng Japan National Tourism ang actor-comedian na si Empoy Marquez.

Kasunod ito ng pagpatok ng kanyang 2017 romantic comedy movie na Kita Kita kasama si Alessandra de Rossi na shi-noot sa Sapporo, Japan.

 

Kuwento ni Empoy, hindi niya inakala na magkakaroon ng hangover ang Japanese community sa naging impact ng turismo sa Japan.

“First of all, flattered kaming dalawa ni Alessandra, at ng buong team ng Kita Kita at thankful kami kay God kasi hindi naman namin expected na ganito ang kalalabasan ng pelikula at sobrang blessed po,” bungad ni Empoy sa PUSH at ABS-CBN News.

Ayon sa komedyante, hindi niya inakala na magiging tourism ambassador siya ng Japan.

“Hindi po ako makapaniwala, kasi siyempre ipinagkatiwala sa akin na mang imbita ng mga turista sa Japan na talaga naman na napakagandang bansa,” ani Empoy.

Tila napa-throwback naman ang komedyante sa magagandang experience habang binubuo ang Kita Kita. Aniya nasa plano uli niya ang bumalik sa Japan para makapamasyal.

“Sobrang marami, ‘yung lugar, ang kahandahan ng Japan at fresh air. Mababait ang mga tao at magalang sobrang nakakatanggal ng problema,” pahayag pa ni Empoy.