• Home
  • Fresh Scoops
  • Beauty Gonzalez, nagbigay detalye sa pagkikita nila ni Ellen Adarna: ‘Blooming ang friend ko’

Beauty Gonzalez, nagbigay detalye sa pagkikita nila ni Ellen Adarna: ‘Blooming ang friend ko’

Ayon kay Beauty, masaya si Ellen sa desisyon niyang maging private ang kanyang buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/12/2018 4:26 PM
Beauty Gonzalez, nagbigay detalye sa pagkikita nila ni Ellen Adarna: ‘Blooming ang friend ko’


Photo credit: @beauty_gonzalez on IG

Masayang idinetalye ng Kadenang Ginto actress na si Beauty Gonzalez ang naging kuwento sa likod ng pagkikita nila ng matalik na kaibigan na si Ellen Adarna.

Kasunod ito ng isang Instagram post ni Beauty kasama ang kanyang kaibigan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Hey Stranger! ♥️

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

 

"Si Stranger? Okay naman siya, mukhang fresh, masaya," kuwento ng aktres sa panayam ng press.

Ayon pa kay Beauty, masaya si Ellen sa kanyang desisyon na pagsa-pribado ng kanyang buhay.

“Yes super happy. I mean she's happy, she's having the time of her life, lalo na ngayon na she's living a private life, so ibang experience at ibang adjustments and blooming ang friend ko,” kuwento pa ni Beauty.

Nang tanungin naman kung napag-usapan na ba nila ang posibilad ng pagbabalik showbiz ni Ellen, mabilis ang naging sagot ng aktres. 

“Hindi namin napag-uusapan, siyempre nami-miss namin ang isa’t-isa. Iba ang napag-usapan namin,” aniya.

Bilang kaibigan, labis din daw ang kasiyahan ni Beauty para kay Ellen.

“Oo naman siyempre, masaya ako ako for her kasi we all want the best for our friends right? so masaya ako for her,” sabi niya.

Bukas din daw sa posibilad ang aktres kung sakali na kuhanin siya ni Ellen na maging ninang ng anak nito.

“Bakit naman hindi, ninang siya ng anak ko e, silang dalawa (referring to John Lloyd Cruz, Ellen's partner), ninang sila,” pahayag pa niya.