Maymay Entrata: 'Matagal kasi ako magpaligaw'

Inamin din ni Maymay na umabot ng isang taon bago siya naka move on mula sa isang past relationship.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/11/2018 2:39 PM
Maymay Entrata: 'Matagal kasi ako magpaligaw'


Naging masaya ang kwentuhan ng mga hosts  ng Magandang Buhay kasama ang mga loveteams na MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber) at LoiNie (Loisa Andalio at Ronnie Alonte) sa episode nito kahapon, December 10. Ibinahagi ng Big Winner ng Pinoy Big Brother Lucky 7 na si Maymay Entrata kung bakit matagal siyang magpaligaw. 

 

Kwento ni Maymay, "Dati kasi pinagbabawalan kami kahit crush lang, kasi focus sa pag-school. Pero siyempre kasi pag crush mo mag-text (kinikilig). 

"Pero kapag mangliligaw na, hinding hindi ako sasagot pag hindi pupunta sa bahay," dagdag ni Maymay. 

Sumagot naman ang kanyang ka-loveteam na si Edward at sumang-ayon sa sinabi ni Maymay. "Sinabi ni May sa akin dati na dapat approved yung lalaki sa pamilya niya. Kung hindi approved, wala talaga," sabi ng aktor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you po @idealvision !! ❤️

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

Mula sa masayang kwentuhan, naging seryoso naman si Maymay Entrata nang ikuwento sa mga momshie hosts ang kanyang pagmu-move on mula sa dating karelasyon.

"Yung totoo talaga, kapag heartbroken ako, matagal talaga akong nakaka move on. Minsan kasi inaako ko lang. Kasi may past relationship po kasi ako. Tapos, alam mo yung kahit saan ka tumitingin o kahit kumakain ka lang, lagi mo siyang iniisip. Tapos hindi ka maka-kain," kwento ni Maymay. 

Ayon pa kay Maymay, umaabot ng halos isang taon, bago siya tuluyang maka-move on mula sa heartbreak. "Pero umaabot ng mga isang taon, bago mag sisink in sa akin na hindi talaga kami para sa isa't-isa," pag-amin ng dalaga. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Medyo antok fes pose 😴

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

LOOK: Maymay Entrata leaves netizens abuzz with her gorgeous selfies

EXCLUSIVE: Edward Barber and Maymay Entrata share the secret to their real life kilig