• Home
  • Fresh Scoops
  • 'This is The Philippines': Catriona Gray ibinida ang Pilipinas sa isang vlog

'This is The Philippines': Catriona Gray ibinida ang Pilipinas sa isang vlog

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/10/2018 8:15 AM
'This is The Philippines': Catriona Gray ibinida ang Pilipinas sa isang vlog


Screenshot from Cat'elle's YouTube video

Sa isang 3:54 minute video, ipinagmalaki ni Miss Universe Philippines Catriona Gray ang Pilipinas.

Sa kanyang sariling YouTube channel, ipinasilip ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ang maikling pagkakalarawan niya sa Pilipinas na tinawag niyang “This Is The Philippines.”

Dito, ibinahagi niya ang famous landmarks sa Pilipinas gaya nang mga matatandang simbahan sa Intramuros at Rizal monument sa Luneta Park.

Highlight din ang parol making sa San Fernando, Pampanga na tila napapanahon ngayon sa nalalapit na Pasko.

Tila patikim na din ito ng Pinay beauty sa kanyang National Costume nang tumayo ito sa harapan ng isang makulay na Parol sa huling bahagi ng Video.

Sa ngayon, nasa Bangkok Thailand si Catriona at sumasabak sa pre-pageant activities para sa nalalapit na Miss Universe competition na gaganapin sa Decemeber 17 at mapapanood ng live sa ABS-CBN.