Marlo Mortel, alay ang pelikula sa namayapang ina

Marlo inalala ang panahon na namili siya sa pagitan ng kanyang trabaho o magbantay sa tabi ng kanyang may sakit na ina.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/10/2018 8:37 AM
Marlo Mortel, alay ang pelikula sa namayapang ina


Photo credit: @marlomortelmusic on IG (L)

Isa ang Umagang Kay Ganda segment host na si Marlo Mortel sa supporting cast ng pelikulang One Great Love ng Regal Entertainment para sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sa media conference ng pelikula, hindi napigilan na balikan ni Marlo ang mga panahon na binubuo nila ang pelikula at ang mga huling sandali kasama ang kanyang Ina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Mommy. I can’t believe this is happening. I’m in so much pain. I don’t want to, but I have to let you go. All you ever did was love me and take care of me. I’m sorry for all my shortcomings but thank you for fighting, until your last breath you waited for me. You were almost gone the other night but when I kept on talking to you, you responded and was able to stay with us for 2 more days. We were able to say our goodbyes. But this isn’t goodbye, I know you’re watching over us now. Kahit mahirap, kakayanin namin to ni daddy. Sobrang hirap ng pinagdaanan mo and you may rest now. My love for you is never ending. Si Jesus na ang bahala sayo at sa amin ni daddy. MAHAL NA MAHAL KITA.

A post shared by Marlo Mortel (@marlomortelmusic) on

 

“May time kasi na iyon na pala ang last day ng mom ko so kinabukasan namatay siya hindi ko alam kung dapat ba na nandoon ako sa paghihintay to shoot this film pero kasi nag-commit na ako, so kahit ganoon ang condition ng mommy ko nandoon ako so first time ko sa set iyak ako ng iyak,” malungkot na pag-alala ni Marlo.

May pinagdadaanan man sa personal na buhay si Marlo, malaking karangalan sa kanya na makasama ang lead stars ng One Great Love na hinahangaan niya sa larangan ng pag-arte.

“Si Kim Chiu kung ano ang makita nyo onscreen that's what she is -- bubbly, mabait. Pero si kuya JC hindi ko pa siya naka-scene eh so honored ako na maging part to this cast,” sabi pa ni Marlo.

Dito, sinagot din ni Marlo ang katanungan kung nakilala na nya ba ang kanyang inspirasyon sa buhay.

“Hindi naman tayo pwede na forever sad ... it comes with timing kapag naramdaman mo sa heart mo na siya na, better stick to it,” pahayag pa ng singer. 

Kasama sa walong official entries nag 2018 Metro Manila Film Festival ang One Great Love na ipapalabas sa Decemeber 25.