• Home
  • Fresh Scoops
  • Loisa Andalio gets emotional as she recalls past quarrel with Ronnie Alonte

Loisa Andalio gets emotional as she recalls past quarrel with Ronnie Alonte

Hindi napigilang maluha ni Loisa Andalio nang balikan ang dating pagkakalabuan nila ni Ronnie Alonte.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

12/10/2018 12:03 PM
Loisa Andalio gets emotional as she recalls past quarrel with Ronnie Alonte


Photo credit: @iamandalioloisa (R) on IG

Hindi inaasahan ang pagiging emosyonal ng Kapamilya actress na si Loisa Andalio sa episode ng Magandang Buhay, December 10. Naalala kasi ng aktres ang naranasan niya noon sa kanyang boyfriend ngayon at on-screen partner na si Ronnie Alonte. "Masakit talaga ‘yan. Kasi nagdaan din po talaga ako diyan.” 

Photo credit: @_magandangbuhay on Instagram

"Kasi kahit hanggang ngayon pag naaalala ko, parang ang sakit, ang sakit lang ng mga nangyari. Tama yung sinasabi na parang parang end of the world na. Parang ayaw mo nang may bukas," naluluhang kwento ni Loisa. 

 

Nilinaw naman ng aktres na okay na siya, at okay na ang relasyon nila ni Ronnie ngayon. 

"Okay na okay na kami ngayon, okay na okay na tayo, di ba? Kumbaga naalala ko lang ‘yung mga napagdaanan namin.”

Dagdag ng dalaga, maganda rin ang naging dulot ng kanyang karanasan dahil mas napalapit siya sa kanyang mga magulang. "Dito rin akong naging close sa parents ko kasi first time kong mag-open sa kanila. First time ko magsabi sa kanila ng ganong problema," sabi ni Loisa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

731

A post shared by Loisa Andalio (@iamandalioloisa) on

 

Mapapanood ang tambalang Loisa Andalio at Ronnie Alonte (LoiNie) sa Fantastica, sa December 25.