Napag-usapan sa Magandang Buhay ngayong December 10 ang nauusong paraan ng pakikipag-date online. Tinanong ng mga hosts ang mga love teams nina Maymay Entrata at Edwad Barber at Loisa Andalio at Ronnie Alonte, na sabay sabay namang nagsabing delikado at hindi nila ito magagawa.
"Kasi mamaya may ibang balak pala (ang ka-chat), or ibang tao pala na gumagawa lang ng account." sagot ni Loisa.
Dagdag naman ni Edward, may mga kaibigan siya mula sa Germany na mayroong bad experiences sa online dating. "Actually sa Germany, maraming stories, mga bad experience. Medyo dangerous yun if you're not careful.
The best thing, if you really want to do that, dapat may proof na totoo at sila talaga yun. Pwede kayong mag video chat para may proof talaga. Sa Germany kasi, medyo matigas ulo ng mga kaibigan ko kaya nag-gaganun sila, for fun lang," payo ni Edward.
Para sa Kapamilya actor, maraming pang paraan para makakilala ng tao, bukod sa internet.
"Pero sa tingin ko there's no difference between chatting to someone on text or online sa social media. Parang excitement lang yun so sa tingin ko, hindi naman kailangan. There are better ways to get to know someone," pahayag pa ni Edward.
Magsasama sama ang mga sikat na loveteams na sina MayWard, LoiNie at DonKiss, sa inaabangang Vice Ganda movie na Fantastica, na mapapanuod na sa December 25.